Aklan News
Pamamahala sa Ati-Atihan Festival, ibabalik sa LGU Kalibo


Balak ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na ibalik ang pamamahala ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival sa Local Government Unit (LGU) Kalibo.
Ayon kay SB member Ronald Marte napansin umano nila na noong mga nagdaang taon kung saan iba ang naka-upo, may mga deperensiya at naglitawan ang samu’t-saring isyu.
“Ku more previous years nga iba ro gapungko, nakita naton nga may mga deperensiya abi ro pagmanehar it Kalibo Ati-atihan Festival. Kung siin abo-abo nga isyu,” ani Marte.
Dahil dito, naghain sila ng resolusyon na naglalayong ibalik sa LGU Kalibo ang pamumuno sa Ati-atihan Festival.
Saad pa ng konsehal, “Kung LGU ta ro gamanihar, abo ta ro pwede naton mangin kaparte ku raya nga pagmanihar it Kalibo Ati-atihan Festival naton.”
“Rayang Kalibo Ati-atihan Festival hay sambilog ron sa industriya naton sa turismo,” dagdag pa nito.