Aklan News
Pamangkin na nakabaril sa kaniyang tiyuhin, iginiit na dinipensahan lang ang sarili; baril, naagaw lang sa kaniyang tiyuhin


”Sabton ko gidlang dun hangga’t kaya ko pa. Di man ako magpaeagyo kung akon gid man yah saea man. Akon manlang yah daad, depensa ko manlang sa sarili ko.”
Ito ang naging pahayag ng suspek na si alyas “Louie” matapos mabaril ang sarili nitong tiyuhin sa Barangay Rosal, Libacao, nitong Biyernes ng hapon, Abril 11.
Ang suspek na hindi na pinangalanan ng pulisya ay kinilalang si alyas “Louie,” 21-anyos habang ang biktima ay si alyas “Remy”, 44-anyos, parehong residente ng naturang barangay.
Salaysay niya, bandang alas-3 ng hapon ay abala siya sa paghahanda ng pananghalian dahil kakagaling lang nito sa pagkigue ng abaka.
Maya-maya, pinuntahan siya ng kaniyang tiyuhin na lasing at armado ng homemade shotgun at gulok.
Pinagbintangan umano siyang nagnakaw ng native na manok habang nagsisigaw sa labas ng kanilang bahay.
Dagdag pa niya, una siyang tinutukan ng baril ni alyas “Remy”, ngunit naagaw niya ito dahilan upang mabaril ang kaniyang tiyuhin.
Dahil sa insidente, tumakbo siya sa bahay ng kaniyang bayaw bago kusang-loob na sumuko sa mga otoridad.
Samantala, hindi narekober sa pinangyarihan ang baril na ginamit.
Ayon pa kay Louie, bago pa ang insidente ay pinuntahan na rin siya ng kanyang tiyuhin noong Huwebes ng hapon at pinagbibintangan ding nagnakaw ng kaniyang mga manok.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Libacao Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide. | Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading