Connect with us

Aklan News

Pamangkin patay sa pamamaril ng tiyuhin sa Libacao

Published

on

Patay ang isang 20 anyos na lalaki sa Libacao matapos barilin ng kanyang tiyuhin sa Sitio Maylunok, Brgy. Dalagsaan nitong Sabado.

Kinilala ang biktimang si John Mark Asiong , 20 taong gulang at ang suspek na si Bendocio Asiong, kapwa residente ng nasabing lugar.

Personal na dumulog sa Libacao PNP ang tatay ng biktima para isumbong ang pangyayari na ikinamatay ng kanyang anak.

Kwento ng tatay ng biktima na si Graciano Asiong,  habang naglalakad sila ng kanyang anak nitong Sabado ay bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima sa mukha.

Away sa lupa at mga pannaim ang sinasabing motibo sa krimen.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na tumakas.