Connect with us

Aklan News

Pamilya Miraflores, apat ang kandidato sa 2025 elections

Published

on

HINDI lang isa, hindi lang dalawa kundi apat na miyembro ng pamilya Miraflores ang tatakbo sa darating na May 2025 midterm elections.

Ito ay matapos maghain ng kandidatura si former Governor Joeben Miraflores bilang miyembro ng House of Representative sa ikalawang distrito ng Aklan.

Muling tatakbo naman sa pagka-gobernador si Joen Miraflores para sa kanyang ikalawang termino.

Gayundin si Jose Miguel Miraflores na muling naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa bayan ng Ibajay.

Maliban sa mag-aama, second nominee din ng Uswang Ilonggo Partylist si dating Ibajay Mayor Ma. Lourdes Miraflores.