Aklan News
Pamilya ng estudyanteng nasawi sa pagkatusok ng kawayan sa leeg, ‘di magsasampa ng kaso
Walang intensyon ang pamilya ng estudyanteng namatay sa aksidente sa Lezo nitong Sabado na magsampa ng kaso laban sa drayber ng top down tricycle.
Magugunitang nasawi ang biktimang si Joshua Clarence Mauricio, 18 anyos, ng Banaybanay Bliss, Malinao matapos matusok ng kawayan sa leeg na karga ng isang top down habang nakamotor.
Ayon kay PSSgt. Ian Krits Villanueva ng Lezo PNP, nag-usap na ang pamilya ng magkabilang panig at kahapon lang ay ipinahayag ng ama ng biktima na si Eduardo Mauricio na wala silang balak na kasuhan ang drayber na si Ronald Baltazar Retiro, 40 anyos, taga Rosario, Malinao.
Naniniwala ang pamilya ng biktima na aksidente lamang ang nangyari sa kanilang anak.
Sa ngayon ay nakalabas na ng lock-up cell ang drayber na si Retiro.