Connect with us

Aklan News

‎Pamilya ng nasawing rider sa salpukan sa Torralba, Banga, hindi na magsasampa ng kaso

Published

on

Photo courtesy of Randy Nacuspag
Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng habal-habal driver na nasawi matapos masangkot sa aksidente sa isang patrol car ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Barangay Torralba, Banga, Aklan kahapon, Mayo 20.
Kinilala ang biktima na si Efren Valencia, residente ng Barangay Sibalew, Banga.
Batay sa ulat ng pulisya, nasalpok ni Valencia ang paparating na patrol car habang ito’y bumabaybay sa nasabing lugar.
Nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Sa panayam ng Radyo Todo Aklan kay PCapt. Dandy Gonzalodo, hepe ng Banga Municipal Police Station, sinabi nitong nagkaayos na ang pamilya ng biktima at ang driver ng patrol car kaugnay sa insidente.
Nagpasa na rin ang pamilya ni Valencia ng affidavit of no interest to file a case laban sa driver ng nasabing patrol vehicle.
Nasa kustodiya pa rin ng Banga PNP ang parehong motorsiklo at patrol car habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.