Connect with us

Aklan News

Pamilya ng senior citizen na nadatnang wala ng buhay sa New Buswang, Kalibo, kumbinsidong walang foul play sa nangyari

Published

on

Hindi na ipapasailalim sa autopsy examination ang katawan ni Ludovico Irodistan, 67-anyos na nakitang nakadapa na sa may daan na binaha sa Marte Road, New Buswang Kalibo kaninang umaga.

Kinumpirma ng Kalibo Pnp na kumbinsido umano ang pamilya ng biktima na walang foul play na naganap sa kaniyang pagkamatay.

May mga nakitang maliit na sugat sa bahagi kaniyang noo ang mga miyembro ng SOCO na pinaniniwalaang tumama iyon sa mga bato dahil nakadapa ito nang madatnan sa lugar.

Lumalabas na maaring napatid o nadulas ang naturang biktima dahil sa madilim na roon at nakainom pa ito kagabi kaya ito na tumba na nagdahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang katawan ni Irodistan bago dalhin sa kanilang bahay sa Sitio Ayos Lang, Brgy. New Buswang, Kalibo. | via Rhealyn Ortega