Connect with us

Aklan News

PAMIMIGAY NG SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM SA BAYAN NG NUMANCIA,INIREREKLAMO

Published

on

Inirereklamo ng ilang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program sa bayan ng Numancia ang sistema ng distribyusyon ng nasabing programa ng nasyunal na pamahalaan.

Sa sulat na ipinaabot sa tanggapan ni Aklan Second District Congressman Teodorico Haresco, noong November 12,2021 umano ay ipinamigay ang nasabing tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Barangay Navitas, Numancia kung saan 25 dito ay nagmula sa Barangay Aliputos na nakatanggap ng 15,000 Pesos ang bawat isa sa kanila may kabuuang 375,000 Pesos.

Subalit matapos umanong matanggap ang nasabing halaga ay kinuha kaagad ito ng kanilang leader at idedepisito muna sa bangko.

Subalit malaki umanong palaisipan sa kanila kung bakit sa bahay ni Punong Barangay Jojo Cordova ng Brgy.  Aliputos,Numancia inilagay ang nasabing kabuhayan na manokan kasama na ang pagpapaitlog ng mga manok sa kabila na sila ang tumanggap ng nasabing halaga at pumirma sa tanggapan ng DSWD.

Napag-alaman din umano nila na  kumuha ng tatlong daang buhay na manok si Punong Barangay Jojo Cordova sa RTL Chicken na pagmamay-ari ni Engr. Jun Agravante at nangako ang punong barangay na makakatanggap sila ng isang tray ng itlog kada linggo.

Dapat anyang sa kanilang asosasyon nakalagay ang nasabing manokan at hindi sa bahay ng kapitan.

Laking gulat din daw nila ng makitang may “EGG FOR SALE” na sa gate ng bahay ni Cordova at sa clinic ng kanyang asawa sa bayan ng Kalibo.

Samantala,hiniling naman ng mga nagrereklamong benipisyaryo kay Congressman Haresco na matulungan silang maibalik ang pera o kabuhayang kinuha para sa kanila.