Connect with us

Aklan News

Pampasadang traysikel aksidenteng bumangga sa nakaparadang truck; pasaherong senior citizen, sugatan

Published

on

Nagtamo ng sugat sa ulo ang isang senior citizen matapos aksidenteng bumangga ang sinasakyan nitong traysikel sa nakaparadang truck sa bahagi ng Jaime Cardinal Sin Avenue, Kalibo nitong Huwebes.

Kinilala ang pasaherong senior citizen na si Emma Fernandez, 70, residente ng Barangay Briones, Kalibo at ang tricycle driver na si Anthony Silva, 50, residente naman ng Barangay New Buswang, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng mga Kalibo PNP, habang tinatahak ng naturang tricycle ang kahabaan ng Jaime Cardinal Sin ay aksidente itong bumangga sa nakaparadang truck na minamaneho ni Elvin Bangcuyo ng Dayhogon, Sigma Capiz.

Dahil sa impact ng pagkakabangga, tumama ang ulo ng pasahero nito sa wind shield ng tricycle na nagresulta ng pagkasugat nito.

Kaagad namang dinala sa Aklan Provincial Hospital ang biktima para sa agarang paggamot.

Samantala, nasira naman ang signal light sa kanang bahagi ng nasabing truck habang nasira naman ang bumper at iba pang bahagi ng traysikel.

Kaugnay nito, nagkasundo naman ang magkabilang panig matapos magkaharap sa Kalibo Police Station.