Connect with us

Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

Published

on

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van sa Bugasungan, Lezo nitong hapon ng Huwebes.

Kinilala ang drayber ng pampasaherong bus na biyaheng madalag na si Ricky Madula, at ang drayber ng J&T Truck na si Boysie Paderes na residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lezo PNP, unang binangga ng bus ang poste ng kuryente bago kinaladkad ang J&T truck at van na nakaparada sa gilid lang ng daan.

Ayon kay Paderes, nagulat nalang umano siya nang biglang may sumalpok sa truck at nadamay pa ang van ng kaniyang nanay.

Napag-alaman na galing pa ng Madalag ang bus at patungo sana ng Kalibo sakay ang 4 na pasahero nito nang mangyari ang aksidente.

Kinailangan dalhin sa ospital ang isa sa mga pasahero matapos mahilo habang dinala naman sa center ang tatlo.

Samantala, nasa kustodiya na ng Lezo PNP ang drayber ng bus na si Madula para sa karampatang disposisyon.