Connect with us

Aklan News

Pampasaherong tricycle, biglang umusok at nagliyab

Published

on

File Photos: DK Paderes/Radyo Todo

Biglang umusok at lumiyab ang isang pampasaherong tricycle sa may Jaime Cardinal Sin, Kalibo ngayong Martes ng hapon.

Kinilala ang tricycle driver na si Erenito Aguirre na residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.

Ayon kay Aguirre, mula umano ito sa ASU sakay ang kaniyang mga pasahero na papunta sanang shopping center.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lang lumiyab sa may bahagi ng motorsiklo nito.

Agad itinigil ni Aguirre ang kaniyang sasakyan tsaka humingi ng tulong sa mga otoridad.

Mabilis na tumungo ang BFP-Kalibo sa lugar ngunit nasabuyan na rin ng buhangin ng mga naroon sa lugar ang bahagi ng lumiyab kaya’t ito’y agad na naapula.

Sa ngayon ay inaaalam pa ang naging sanhi ng apoy.

Wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.