Connect with us

Aklan News

Pampasaherong van, sumalpok sa railings dahil sa madulas na kalsada sa Nabas

Published

on

Dumaretso sa railings ng kalsada ang isang van sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa Brgy. Havana, Nabas nitong umaga ng Sabado.
Batay sa imbestigasyon ng Nabas PNP, mula sa bayan ng Kalibo papuntang caticlan ang nasabing pampasaherong van dahil may susunduin umano roon.
Pagdating sa lugar, posibleng nawalang ng control ang driver ng van bunsod ng ulan at dulas ng kalsada dahilan para sumalpok ito sa railings ng kalsada.
Dahil dito, nasira ang harapang bahagi ng sasakyan na mswerteng hindi nahulog sa bangin.
Wala namang sakay na pasahero ang nasabing van nang mangayri ang aksidente.
Ligtas naman ang driver at pinakahuling ulat ay nakuha na ang van sa lugar. l ulat ni Jisrel Nervar
Photos : Dudney Sajise Olarte