Connect with us

Aklan News

Pamunuan ng Libacao Water District, aminado sa palpak nilang serbisyo

Published

on

Aminado ang pamunuan ng Libacao Water District sa palpak na serbisyo ng kanilang water supply sa bayan ng Libacao.

Ito ay kasunod ng reklamo ng ilang konsumidor kung saan maliban sa nawawalang suplay ng tubig ay bigla pang nagtaasan ang kanilang bill.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB member John Randy Zapata, muli umanong ipinatawag ng Sangguniang Bayan si General Manager Elizabeth Zubiaga at pinagpaliwanag hinggil sa nasabing problema.

Aniya, inamin naman ni GM Zubiaga na may kapabayaan ang kanilang opisina lalo na sa kanilang meter reader.

“Gin-amin man nana mismo nga may negligence man kuno sa andang opisina ag sa andang meter reader gid ro ginhambae na,” ani SB member Zapata.

Ayon pa kay SB Member Zapata, ang dahilang ibinigay sa kanila ng pamunuan ng Libacao Water District kaugnay sa putol-putol at kung minsa’y wala nang suplay ng tubig ay dahil sa tinamaan ng kidlat ang kanilang transformer at nasira pa ang kanilang submersible pump.

“Ro ana nga hambaea, ro unang dahilan hay pagkita naigo ro transformer idto sa may estaka. Tapos nagtawag dayon sanda sa Akelco agod nga maayos. Hay syempre mana may resolusyon pa mana ron ginapasa kami para matigayon mana ro pagka-ayad. Pagkatapos kuno it kaayad, sunod nga nasamad hay submersible pump,” kwento ni Zapata.

Matapos umanong mapalitan ang nasabing submersible pump ay muli na naman itong nasira at ang itinuturong dahilan ay ang pag- fluctuate ng suplay ng kuryente.

Dagdag pa nito hindi rin aniya 24/7 ang operasyon ng kanilang generator set kung kaya’t naaapektuhan rin ang operasyon nila.

Samantala, sa isyu naman ng labis na water bills, inihayag umano ni GM Zubiaga na mula sa 262 konsumidor sa Zone 2 sa barangay Poblacion, 76 ang apektado.

“Gin-amin na mat-a nga nagtaas ro water bills hay sa Zone 2.”

Kaugnay nito, humingi si SB member Zapata ng listahan mula sa LWD sa kung sinu-sino ang mga naapektuhan ng naturang problema upang kanilang maka-usap at mabigyang solusyon.