Aklan News
Pamunuan ng NVC nilinaw na hindi nagpapabaya hinggil sa problema sa Special Order ng mass communication students
NILINAW ni Dr. Rebecca Tandug Barrios, Vice President for Academic Affairs at Dean ng AB Department na hindi nagpapabaya ang pamunuan ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) Kalibo sa kanilang mga estudyante.
Kasunod ito ng reklamo ng ilang mga estudyante sa ilalim ng kursong Bachelor of Arts in Communication (BACOMM) dahil sa umano’y hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nabibigyan ng SO o Special Order.
Ayon kay Dr. Barrios, nag-ugat ang nasabing problema noong nagsagawa ng monitoring ang CHED at nakita nila na walang Government Recognition (GR) ang naturang kurso.
Ito ay matapos magbago rin ang kanilang curriculum mula sa dating AB Masscommunication at ngayon ay BA Communication – Bachelor of Arts in Communications na.
“Ang natabo abi karon, last year, nagkaroon ng audit si CHED, usually it’s a monitoring not the normal… yearly abi ron naga-monitor sanda ag hakitaan idto nga ro AB Masscomm before nga nagbag-o eon, makara sa bag-o nga curriculum hay naging BA Communication – Bachelor of Arts in Communications. So, nakita idto nga ro Government Recognition (GR) hay owa.”
Natuklasan din ng NVC na kaya mayroong mga SO ang mga naunang nakapagtapos ng MassComm dahil ang GR nito ay nakakabit sa kursong AB English na nasa ilalim ng Bachelor of Arts.
“This is high time to explain to the public what really happened and ano ro mga immediate recourse that we have done so far. So this is it. Ang AB Mass Comm nag-open in June 2006. The president is not Sir Angelo that time. So, since it open, the program anchored to the AB English, noong nakita namin to last year at nakita doon sa record upon investigation, we went to CHED to right away investigate saan ang GR. Noong nag-archive kami sa CHED, nakita nga Level 1 eat-a ro application. Okay, so nakita rin namin ang isang CMO or a particular PSG na nagsasabi na pwede siyang i-anchor sa AB English. May AB English tayo eh. So ang AB English may GR number ta imaw ag may provision ta nga pwede ta sa AB English. So through the years ang ginagamit ta nga GR is AB English,” paliwanag ni Barrios.
Dahil dito, sinikap ng NVC na makapag-apply ng GR at sa ngayon ay mayroon ng GR ang BA Communication.
“So right away, nang na-investigate ito, nag-comply kami kay CHED. We applied for the Government Recognition at nabigyan tayo. May GR na tayo ngayon sa BA Communication.”
“Ang SO is issued by CHED but the Special Order dapat may Government Recognition,” dagdag pa nito.
Sa ngayon aniya, ang SO para sa mga estudyante ng BA Communication na nagsipagtapos noong 2022-2023 ay pino-proseso pa nila sa CHED.
Dahil dito, nakiki-usap si Barrios sa mga estudyante at mga magulang nito na intindihin ang naturang sitwasyon dahil hindi naman umano nagpapabaya ang paaralan.
“However the 2022 graduate nga naabutan it monitoring hay indi ta naton… alam mo naman sa batas hindi natin ma-antedate ro GR, kasi ro GR hatao eat-a sa daya nga school year. The effectivity cannot be carried on last year ngani ro mga nag-graduate ngaron nga mga nauna nag-appeal gid kami kanda man nga maghueat-hueat lang.
“Right now, nag-submit na tayo ng appeal, nahueat lang naton ro national office nga mag-reply ag manaog karon ro lawyer to check ag ginahueat namon anytime. Ag kung magnaog ron, may mabahoe ta kita nga chance. Actually, indi ta kita pagpabay-an it CHED duyon ta ro aton nga pagpati karon. Ag in good faith mat-a, owa ta kita it intention nga mag-lie. Kabatas, nag-apply gid ngani kami it GR agod ipakita ro sincerity in intstitution. Nag-appeal kita, may mga letters, may mga documents nga nag-appeal ag padayon ta, until now.,” pagtutuloy nito.
Aniya pa, “That’s our commitment nga ipadayon gid-a ro program despite nga manubo ro enrolment karon. Actually population it BA Communication is very low. Gina-subsidise lang imaw it ibang program dahil atong commitment kinahang-ean ra it atong local industry. Commitment ra it institution sa province of Aklan and Antique nga maka-produce kita it mga media practitioner ag daya ta ro aton nga advocacy ag institutional commitment ngani may GR ta kita.”
Positibo naman si Dr. Barrios na maaayos ang naturang problema sa kurso ng BA Communication dahil ang ito ang kanilang commitment sa lalawigan ng Aklan na maka-produce ng mga media practitioner.
“Pero dahil daya [BA Communication] hay commitment naton da sa media services naton sa province. Gusto naton, nagapati kita, kay Sir Allen [Quimpo] pa maghalin nga palangga ta nana ro Mass Communication nga program dahil maeapit ra sa industry nga nagapatigayon nga maka-produce kita. Ag kaabo-abo eon ro aton nga graduates nga naga-practice sa media. Kanugon nga maduea daya ngani napanindugan ta it institusyon nga we keep up as part of our community commitment, as part of the institutional mandate nga i-keep ag i-secure ro program. Ngani ro sincerity and commitmeny it administration hay una ta sa mga students ngara. Indi gid ron sanda pagpabay-an. Ro appeal lang naton gid is give us time.”