Aklan News
Panabong na manok, ninakaw sa Estancia, Kalibo


NINAKAW ng hindi pa nakikilalang kawatan ang 2 panabong na manok sa Estancia, Kalibo nitong Setyembre 28, 2024.
Sa Facebook post ni Kennedy Dela Cruz Sabalon, nasa kalagitnaan ng alas-11:30 hanggang alas-2 ng madaling araw nangyari ang pagnanakaw.
Salaysay niya, nadiskubre ng kaniyang kapatid na wala na ang panabong na manok ng kanilang tatay na nakatali.
Nananawagan din ito na kung sino man ang mapagbentahan ng manok ay ipagbigay alam lamang sa mga otoridad.
Continue Reading