Connect with us

Aklan News

Pananim na ampalaya sa New Washington, hinarvest ng kawatan; isa sa suspek 2 suspek arestado

Published

on

Kulong sa lock-up cell ng New Washington Municipal Police Station ang isang lalaki matapos na mahuling namimitas ng mga ampalaya sa isang taniman sa bahagi ng Brgy. Puis, New Washington gabi nitong Martes.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Mart”, residente ng Numancia.

Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo todo, pauwi na sana ito mula sa kakilala sa New Washington nang madaanan nito ang isang lalaki na umano’y kakilala rin nito.

Ayon kay Mart, pinaangkas niya ito sa kaniyang motorsiklo ngunit inutusan pa siya ng lalaki na pumunta muna sa isang taniman sa nasabing barangay.

Dagdag pa nito, inakala niya na pagmamay-ari iyon ng kakilala dahil agad umanong hinarvest ng naturang lalaki ang mga pananim na ampalaya at isinilid sa isang sako.

Tumulong pa umano ito ngunit dumating na ang may-ari at laking gulat nito na tumakbo nalang palayo ang kasama at naiwan sa kaniya ang sako ng ampalaya.

Mabilis namang tumawag ng pulis ang may-ari at dinampot ang si Mart.

Samantala, posibleng hindi na rin magsasampa pa ng kaso ang may-ari ng taniman matapos na makausap ang naaresto.