Connect with us

Aklan News

PANG-GIGIPIT SA MALILIIT NA NEGOSYANTE, PINABULAAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LIBACAO

Published

on

Mariing pinabulaan ng Lokal na Pamahalaan ng Libacao na ginigipit nila ang mga maliliit na negosyante para lamang makalikom ng pondo para sa implementasyon ng kanilang mga programa, proyekto at aktibidades.

Ito ang naging pahayag ni Libacao Mayor Charito Navarosa. Ayon sa alkalde, ang katotohanan anya ay nagbibigay ng amnestiya at palugit ang LGU para sa mga maliliit na negosyante na wala pang kakayahang magbayad ng kanilang mga obligasyong pinansyal sa munisipyo.

Samantala, ayon naman kay Mr. Renato Zomil, License Inspector 2 at BPLO Designate ng Business Permit and Licensing Office, lahat anya na mga sinisingil na bayarin sa mga negosyante ay nakabase sa kanilang Municipal Local Revenue Code at maiging ipinapaliwanag sa kanila kung saan ito nanggagaling at mapupunta.

Base naman sa datus ng Commission on Audit, ang bayan ng Libacao, ay isang 3rd class municipality at Internal Revenue allotment Dependent kung saan mayroon lamang itong P154.1 million na taunang pondo noong taong 2020.

Samantala, hiniling naman ni Mayor Navarosa sa mga mamamayan ng Libacao na suportahan na lamang ang mga proyekto at programa ng Lokal na Pamahalaan at isantabi muna ang Pulitika.

Continue Reading