Connect with us

Aklan News

PANIBAGONG 78 KASO NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW

Published

on

Nasa 5,233 na ang kumpirmadong kaso ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan kung saan 866 dito ang active cases.

Ayon sa inilabas na data ng Aklan PESU, sa 297 na sample na isinailalim sa tests kahapon, 78 ang nagpositibo ang resulta o 26.3% habang 219 naman ang nag negatibo.

Umakyat naman sa 4,253 ang total recoveries makaraang madagdagan ng 94 ngayong araw, isa naman ang nadagdag sa mga namatay na may 114 death toll na sa CoViD-19 ang probinsya.

Parehong nanguna ang mga bayan ng Kalibo at New Washington na may tig-18 na bagong kaso, Nabas-10, Lezo-9, Buruanga-6, Malinao-6, Malay-5, Ibajay-3, Numancia-2 at Tangalan-1.

Ito naman ang status ng CoViD-19 cases sa bawat munisipalidad:

Kalibo – 1340
Malay – 683
Nabas – 433
Ibajay – 376
Banga – 368
New Washington – 360
Numancia – 338
Makato – 240
Tangalan – 160
Lezo – 157
Altavas – 145
Balete – 137
Batan – 128
Malinao – 124
Buruanga – 102
Libacao – 87
Madalag – 45