Connect with us

Aklan News

Panukalang ipagbawal ang glass bottle sa Sinadya sa Roxas City nasa 2nd reading na

Published

on

Pasado na sa unang pagbasa ang panukalang ipagbawal ang pagbitbit ng anomang glass bottle sa kasagsagan ng selebrasyon ng Sinadya sa Roxas City.

Ayon sa may-akda na si Konsehal Cesar Yap, layunin ng panukalang ordinansa na maiwasan ang anumang sakuna na posibleng maidulot ng glass bottle.

Pinag-aaralan pa ngayon ng konseho kung ang saklaw na lugar ng pagpapatupad nito ay sa buong Roxas gaya ng isinasaad sa orihinal na draft ng panukala.

Ikokonsidera rin kung anong mga de boteng inumin ang ipagbabawal.

Una nang sinabi ni Yap na hindi ipagbabawal ang pagbebenta ng mga glass bottle drink basta ililipat ito sa isang ‘ligtas’ na lalagyan.

Sa kabila nito, sinabi ng lokal na mambabatas na hindi pa maipapatupad ang ordinansang ito sa Sinadya ngayong darating na Disyembre 4 hanggang 9.

Batay sa mga pahayag ng opisyal ang kaniyang panukala ay ibinatay sa mga umiiral na ordinansa na ipinatutupad tuwing Ati-atihan Festival sa Kalibo at Maskara sa Bacolod.