Aklan News
PAPI, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA MEDIA FORUM
Inaasahang darating sa isla ng Boracay ang halos 300 na mga media practitioners para dumalo sa 24th National Press Congress sa Disyembre 3-6.
Ang naturang aktibidad ay inoogarnisa ng Philippine Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) kasunod ng kanilang selebrasyon ng ika-45 taon serbisyo.
Ito ay may temang “Media-Environment-Local Governance-Tourism-Science and Technology Partnership towards Meaningful Growth”.
Ayon kay PAPI Chairman Emeritus Johnny Dayang, kabilang dito ang mga publishers, editors, manunulat, kolumnista, photo journalist, reporters, pati na ang mga campus journalist, at public information practitioners, mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sinabi naman ni PAPI National President Nelson S. Santos na “This is a right time na ma gather lahat ng mga publishers, reporters at masscom students in one place.”
Pag-uusapan sa apat na araw na forum ang tungkol sa environmental care, tourism, LGU governance, international relations, national security, pati na ang social media and responsibility.