Connect with us

Aklan News

Pari sa Tangalan naaksidente habang sakay ng kotse

Published

on

Isang pari ng Tangalan Catholic Church ang nasangkot sa aksidente kagabi sa Brgy. Naisud, Ibajay.

Kinilala ang biktimang si Alejandro Magbanua Pelayo, 53 anyos, residente ng Manoc-manoc Boracay Island at kasalukuyang nakatira sa Tangalan.

Batay sa pulisya, nangyari ang aksidente alas-11 kagabi habang sakay ang biktima ng kotse mula Malay papuntang Tangalan.

Pagdating sa kurbadang bahagi ng Naisud, nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang puno sa may Alfonso Monfort compound.

Nagtamo ng mga sugat at pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad dinala sa Ibajay District Hospital at kalaunan ay nilipat sa isang pribadong ospital sa Kalibo.