Connect with us

Aklan News

Parlor shop sa shopping center, pinasok ng magnanakaw; P10,000 na halaga ng pera, natangay

Published

on

PINASOK NG MAGNANAKAW ang isang parlor shop sa Shopping Center, Poblacion Kalibo, bandang alas-4 nitong umaga, Abril 11.
Ayon sa di na pinangalanang may-ari na 45-anyos na lalaki at residente ng Linabuan Sur, Kalibo, pagdating nito sa kanyang parlor shop ay bukas na ang pinto nito.
Nilimas ng hindi pa nakikilalang suspek ang mahigit P10,000 na nakalagay sa alkansya.
Pati mga barya ay hindi rin pinalagpas ng suspek.
Agad naman dumulog sa Kalibo MPS ang biktima para iparekord ang nasabing insidente.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nasabing insidente. Ulat ni Jisrel Nervar