Connect with us

Aklan News

Partial implementation ng Kalibo Traffic Code of 2020, umpisa na ngayong unang linggo ng Enero

Published

on

Photo| KIA Facebook Page

Unti-unti nang ipapatupad ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang bagong traffic code simula ngayong unang linggo ng Enero 2021.

Ayon kay Mayor Emerson Lachica, binibilisan na nila ang pag-install ng mga bagong traffic signages para sa maayos na implementasyon ng traffic code.

Nakapaloob sa bagong traffic code ang pagpapatupad ng Pay-parking, One-Way Streets with One-Side Parking with pay at Two-Way Streets.

Sa ngayon ay inuunti-unti na ng pamahalaan ang pagpapatupad nila ng traffic code maliban sa ilang area na hindi pa nalalagyan ng signages.

Bago matapos ang taon, inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na may titulong “An Ordinance Enacting the 2020 Transport and Traffic Management Code of Kalibo, Aklan” na iniakda ni SB Matt Guzman.

Continue Reading