Connect with us

Aklan News

Pasahero, nahulog matapos magbanggaan ang sinasakyang tricycle at isang motorsiklo

Published

on

Gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang pasaherong nahulog mula sa sinasakyang tricycle matapos makabanggaan ang isang motorsiklo sa E. Acevedo St. cor XIX Martyrs St., Poblacion, Kalibo ngayong umaga ng Biyernes.

Napag-alaman na residente ng Camanci Norte, Numancia ang babaeng pasahero na ihahatid lang sana ang anak sa eskwelahan.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay umano ng tricycle ang intersection habang sakay sa likurang bahagi nito ang babae kasama ang anak.

Sumakto rin umanong lumabas mula sa E. Acevedo St. ang motorsiklo rason para magbanggaan ang mga ito.

Dahil sa impact ay bahagya pang umikot ang tricycle dahilan para mahulog ang babae habang maswerteng ligtas naman ang anak nito.

Samantala, nakaramdam rin ng pananakit sa hita ang naturang motorista.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa aksidente.