Aklan News
PASAHERO NG MGA TRICYCLE SA KALIBO, GUSTONG GAWING TATLO!
Ipinahayag ni Hon. Matt Aaron Guzman, Chairman of Committee on Transportation na naging maayos ang isinagawang pagdinig ng Sangguniang Bayan sa hiling ng mga Toda sa bayan ng Kalibo na madagdagan sila ng pasahero imbes na dagdag-pasahe.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni SB Guzman na ipinaliwanag niya ng husto ang mga bagay-bagay kung bakit kailangang madagdagan ang pasahero ng mga tricycle driver sa bayan ng Kalibo.
“So far, manami man imaw, kasi na-explain man naton tana idto ro tanan nga bagay-bagay, kung ham-an kinahang-ean naton nga madugangan it pasahero ro aton nga tricycle iya sa banwang Kalibo”, ani Guzman.
Binigyan-diin ng konsehal na iba ang desinyo ng mga tricycle sa Kalibo kumpara sa ibang mga probinsiya sa buong bansa.
“…gin-emphasize naton karon nga ro atong design it tricycle hay very different compare sa other provinces nationwide”, pahayag pa ng konsehal.
Aniya, ang mga tricycle ay lalagyan ng ‘plastic celluloid’ na magsisilbing ‘barrier’ o harang sa mga pasahero sa likurang bahagi ng tricycle.
Sa kasalukuyan ang mga tricycle sa bayan ng Kalibo ay pinapayagan lamang magsakay ng dalawang pasahero, isa sa harapan at ang isa naman ay sa likurang bahagi.
Sa pamamaggitan nitong ordinansa kapag na-aprubahan, ay magiging tatlo na umano ang sakay ng mga tricycle kung saan isa sa harapan at dalawang pasahero sa likuran.
Magiging dalawa ang pasahero sa likurang bahagi dahil sa ilalagay na harang kung saan mahahati sa dalawang bahagi at ang mga sakay nito ay magkakaroon ng sariling daanan.
“so do right, may iba man nga entry, may iba man nga exit, do left, may ana man nga ibang entry ag exit”, dagdag pa ni SB Guzman.
Samantala, inihayag din ni Guzman na kung sakaling hindi ito maaprubahan ay wala naman siyang magagawa, ang importante aniya ay ginawa niya ang kanyang makakaya upang matulungan ang mga tricycle driver at operator na naghihikahos dulot ng pandemya.
“… do importante hay gin-ubra naton kutob sa makaya naton nga tikang”, saad pa ng opisyal.