Connect with us

Aklan News

PASAHERO SA KALIBO INT’L AIRPORT, DUMAGSA MATAPOS ISAILALIM SA NEW NORMAL ANG AKLAN

Published

on

Photo Courtesy| Kalibo Six Avseu Facebook Page

DUMAGSA ang pasahero sa Kalibo International Airport matapos isailalim sa alert level 1 o katumbas ng new normal ang lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., dumami ang bilang ng pasahero sa paliparan dahil niluwagan na ang restriksyon sa lalawigan.

Isa din aniya sa dahilan dito ay ang pagbubukas ng pinto sa mga foreign tourist mula sa 157 visa-free countries noong Pebrero 10.

Sa ngayon ayon kay Monserate, umaabot ng apat na mga flights ang lumalapag sa Kalibo International Airports mula umaga hanggang hapon.

Aniya pa, sa ngayon ay wala pang night operation.

Ngunit nakita umano nila na sa isang flight ay maraming pasahero kaya’t humingi ng dagdag na flight schedules ang mga airline companies.

Dahil dito, asahan ayon kay Monserate na sa mga susunod na araw ay mas dadami pa ang mga pasaherong lalapag at dadaan sa Kalibo International Airport.