Aklan News
‘Pasakwahan sa Kapitolyo 2023’ opisyal nang binuksan
Ramdam na ang pasko sa probinsya ng Aklan matapos opisyal nang bukaan ang PASKWAHAN SA KAPITOLYO 2023 nitong Miyerkules, Nobyembre 29 sa Aklan Provincial Capitol Grounds.
Mas nadama pa ang Christmas season nang tumugtog at kumanta ang Philippine Philharmonic Orchestra ng iba’t-ibang Christmas carols.
Samantala nagkaroon ng kaunting aberya dahil nagkaroon ng power shortage habang unti-unti nang binubuksan ang mga ilaw sa kapitolyo kabilang na ang isang puting giant Christmas tree.
Tumagal ng halos 2o minuto na naantala ang pagpapa-ilaw ngunit agad naman itong naibalik para pasayahin ang mga taong nag aantay sa fireworks display na inihanda mismo ng Aklan Provincial Office.
Naging mahigpit naman ang seguridad na isinagawa ng iba pang sangay ng gobyerno na naroon din, tulad ng PDRRMO, Kalibo Safety And Response Team at Kalibo Pnp sa pamumuno ni PLTCOL Ricky Bontogon.