Aklan News
Pasilidad ng mga PDL sa BJMP, negatibo sa kontrabando
Walang narekober na mga kontrabando sa loob ng pasilidad ng mga Person’s Deprived of Liberty o PDL sa isinagawang greyhound inspection sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Jail Inspector Rolyn Malolos, inihayag nito na isa sa kanilang mga requirement ang magsagawa ng greyhound inspection sa mga pasilidad ng BJMP.
Aniya pa, quarterly nila itong ginagawa at kung minsan ay may ikinakasa rin silang surprise inspection alinsunod sa mandato ng kanilang higher office.
Layunin ng naturang inspection na masiguro na ligtas ang bawat inmate sa loob at masigurong walang makakapuslit na kontrabando sa loob ng BJMP.
Kasabay ng greyhound inspection, isinailalim din sa random drug test ang nasa 25 percent ng populasyon ng PDL at mga personnel ng BJMP Aklan kung saan nag-negatibo naman ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay mayroong 162 na lalaking PDL at siyam naman ang nasa female dorm ang nasa loob ng BJMP Aklan.