Aklan News
PASKWAHAN SA KAPITOLYO YEAR 5, MALAPIT NA!
Kalibo, Aklan – Puspusan ang paghahanda ngayon ng Aklan Provincial Government sa tulong ng Aklan Tourism Office para sa nalalapit na Paskwahan sa Kapitolyo ngayong Disyembre 16, 2019.
Maraming nakalinyadang aktibidad ang dapat abangan gaya ng Christmas Costume for Kids, pagbukas ng ‘Paskwahan sa Kapitolyo’ at ‘Kaon ta Food Court’, Ceremonial Lightning ng Christmas Tree at Provincial Government Employees Choral Competition.
Magkakaroon din ng “Pagdungaw: A glimpse of the Past Gala Show mula sa Tumandok it Akean Performing Arts sa Disyembre 2019, alas-6 ng hapon sa ABL Sports Complex.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Rossele Q. Ruiz, mahahati sa tatlong parte ang palabas. Ang unang bahagi ay isang dance-drama na nakabase sa “Legend of Aklan”, ukol sa isang karakter na nangngangalang ‘Panigutlo’.
Ang kasunod nito ay kantahan at sayawan na nagpapakita ng mga magagandang kaugalian ng mga Akeanon tulad ng pagiging marespeto, pagkapasensyoso at marami pa.
Samantala ang ikatlong parte ay ang presentasyon ng ibat-ibang kapistahan sa Aklan na nagpapakita ng tradisyon, kultura at mga produktong makikita sa bawat bayan ng probinsya.