Aklan News
Patay sa COVID-19 pumalo sa 6; bilang ng nag-positibo ngayong Linggo, 141


Sa kabila ng patuloy na pagpapa-alala sa lahat na sumunod sa mga tagubilin kontra COVID-19, patuloy pa ring nakapagtatala ng hindi bababa sa 100 kada araw ang lalawigan ng Aklan.
Batay sa pinakabagong ulat ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, 141 ang naitalang nag-positibo ngayong Hulyo 25, 2021, mula sa 336 na sumailalim sa swab testing kahapon. 195 naman ang nag-negatibo, at 6 ang naitalang nasawi.
Ang bayan ng Kalibo pa rin ang may pinakamataas na kaso na may 21 postibong kaso. Sinusundan naman ito ng Ibajay na may 20, at pumangatlo ang mga bayan ng Nabas at Tangalan na parehong may 16.
Samantala, ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bawat bayan ng Aklan:
Altavas: 2
Balete: 8
Banga: 11
Buruanga: 1
Ibajay: 20
Kalibo: 21
Libacao: 8
Makato: 9
Malay: 11
Malinao: 5
Nabas: 16
New Washington: 1
Numancia: 12
Tangalan: 16