Connect with us

Aklan News

Patrol car ng Malay MPS, sumalpok sa bahagi ng bahay sa Tamalagon, Tangalan

Published

on

SUMALPOK sa bahagi ng bahay ang patrol car ng Malay Municipal Police Station sa Tamalagon, Tangalan nitong hapon ng Linggo, Mayo 25.
‎Sa inisyal na impormasyon, may kabilisan umano ang takbo ng naturang patrol car.
‎Sinubukan pa umanong magpreno ng drayber subalit hindi ito kumagat at patuloy na umikot ang gulong nito dahil na rin sa madulas na kalsada.
‎Ayon naman sa Malay PNP, may transaksyon sa bayan ng Kalibo ang dalawang pulis.
‎Ang driver ng patrol car ay si PCpl Carrillo habang kasama naman nito si PSSg Angeles.
‎Maliban rito, wala nang iba pang detalyeng ibinigay ang Malay PNP sa nangyari.
‎Samantala, sinusubukan ring kunan ng pahayag ng Radyo Todo News Team ang Tangalan PNP kaugnay sa imbestigasyon nila sa aksidente.| via Arvin Rompe