Aklan News
PCCI-Aklan, hiniling sa AKELCO na gawing 2% lamang ang ipapataw na surcharge sa mga konsumidor
Hiniling ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Aklan chapter (PCCI-Aklan) sa Aklan Electric Cooperative na limitahan na lamang sa 2% ang ipapataw na surcharge sa mga konsumidor na hindi makakabayad sa tamang oras.
Ito ay sa pamamagitan ng ipinasa nilang resolusyon kahapon, Hulyo a-27.
Sa panayam ng Radyo Todo kay PCCI-Aklan Chairman Ramel Buncalan, nilinaw nito na hindi sila tutol sa pagpataw ng surcharge subalit hiling nila na gawin na lamang itong 2% sa halip na 10%.
“Ro resolusyon ngara hay nagahinyo nga kunta hay pagalimitahan lang sa 2% ro surcharge nga pagasukton it aton nga AKELCO para sa mga delayed payment sa aton nga mga member-consumer,” ani Buncalan.
Aniya, maaaring nais lamang ng AKELCO na macover-up ang ilan sa kanilang mga bayarin gayundin na mapataas ang kanilang revenue ngunit labis na umano ang 10% surcharge.
Kung iisipin ayon kay Buncalan, mas mataas pa sa 5-6 loan ang babayaran ng mga konsumidor dahil kung bibilangin ang araw na hindi makabayad ay nasa 9-10 days lamang.
“Gusto siguro nanda nga macover-upon ro iba nga mga baeayran ag makadugang siguro sa andang mga revenue so mawron ro purpose siguro, that’s why nagpropose sanda. Pero not to the extent nga himuon man nanda nga 10%. Ay kung isipon naton, kung huyapon abi nimo ro days nga indi ikaw makabayad, almost 9-10 days lang. So, sobra pa sa 5-6 [loan],” saad nito.
Giit pa nito, “I think masyadong mataas ron para sa aton nga mga pobre ag sa aton nga mga negosyante to think nga inigo it pandemya.”
Dagdag pa ni Buncalan, nananatili pa rin tayo sa pandemya at lahat tayo ay patuloy pa rin nakikipaglaban.