Connect with us

Aklan News

PD OSIA, NAG-INSPEKSYON SA KAHANDAAN NG MGA MPS KAUGNAY SA BAGYONG ULYSSES

Published

on

File Photo

Kalibo – Ininspeksyon ngayong araw ni Aklan PPO Provincial Director PCol. Esmeraldo Osia Jr. ang kahandaan ng mga municipal police stations sa Aklan sa pananalasa ng Bagyong Ullyses sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Todo Aklan kay Osia, sinabi nito na ininspeksyon niya rin ang pagiging alerto ng mga police stations, sa kabila na hindi naman direktang apektado ng bagyo ang Aklan.

Ayon pa kay Osia, madalas nahahagip ng epekto ng Habagat ang Aklan lalo na ngayong may bagyong nananalasa sa Katimugang (Southern) bahagi ng Luzon na nagdudulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha na dapat tutukan.

Sinabi pa ni Osia na kahapon pa naka Full Alert Status ang Aklan PNP maging ang kanilang mga search and rescue team.

Samantala, bagama’t hinihihtay pa umano nila ang mga bagong direktiba mula sa bagong upong PNP Chief na si PMajor General Debold Sinas, sinabi pa ni Osia na kanila ring isasakatuparan ang panawagan ni Sinas na maging United ang mga kapulisan at ipakita ang “Walk the Talk” na pamamaraan.