Connect with us

Aklan News

PDEU-Aklan: Kalakaran ng iligal na droga bumalik sa dati kasabay ng pagdami ng mga turista sa Boracay Island

Published

on

Unti-unting bumabalik ang kalakaran ng iligal na droga kasabay ng panunumbalik ng sigla ng turismo sa sikat na Boracay Island.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PLT Col. Frency Andrade, hepe ng Aklan Provicial Drug Enforcement Unit (PDEU), inaasahan na nila ang muling pagpasok ng droga sa Boracay dahil sa muling pagdami ng tao sa isla.

Karamihan aniya sa kanilang mga namonitor noon na gumagamit ng droga ay mismong mga worker sa Boracay lalo na ang mga nagtatrabaho ng graveyard shift.

Ito ang paraan nila upang manatiling gising at aktibo sa oras ng kanilang mga duty.

Dagdag pa ng hepe ng PDEU-Aklan na inaasahan din nila ang pagpasok ng mga dayuhan gumagamit at nagtutulak ng illegal ng droga.

Ang tawag aniya nila dito ay “Boracay Effect” kung saan kapag nagbubukas muli ang turismo ng Boracay island ay nagiging active muli ang mga drug personalities sa kanilang mga iligal na aktibidad.

Saad pa nito, sa ilalim ng Duterte administration ay kumunti ang bilang nga mga sangkot sa iligal na droga.

Aniya pa, mas naging madali sa kanila na hulihin ang mga drug personalities dahil sa kanilang pag-surrender.

Kaugnay nito, ipinasiguro ni Andrade na mas pina-igting pa nila ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga at hindi sila titigil hanggat hindi nauubos ang mga sangkot sa illegal na droga sa bansa.