Connect with us

Aklan News

Perang inipon ng bulag na lolong namamalimos sa harap ng Kalibo Cathedral, umano’y ninakaw

Published

on

Dumulog sa istasyon ng Kalibo PNP ang isang lolo na namamalimos sa may Kalibo Cathedral matapos na umano’y nakawan ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang siya ay natutulog sa may Kalibo plaza.

Ayon sa lolo na residente ng Pinamuk-an, New Washington, may naamoy umano siya na mga grupo ng kabataan na lumapit sa kaniya at kinuha ang kaniyang bag na naglalaman ng pera.

Hindi umano makita ng matanda dahil sa malabo na ang mata nito at ang palatandaan lang umano nito ay ang mabahong amoy ng mga ito.

Tinatayang nasa P5,000 umano ang laman ng kaniyang bag na kaniyang naipon sa pamamalimos.

Samantala iniimbestigahan parin sa ngayon ng mga otoridad nangyaring nakawan.