Connect with us

Aklan News

Person of interest sa pagpatay sa manager ng RD Pawnshop, suspek din sa pagnanakaw at panghoholdap sa Pasig

Published

on

Suspek din sa kasong pagnanakaw at panghoholdap sa Pasig City ang itinuturong person of interest sa pagpatay sa manager ng RD Pawnshop nitong nakaraang Linggo ng hapon.

Base sa mga nakalap na report ng Radyo Todo, nabatid na isa umano ang nasabing person of interest na si Mark Archie Torrfiel sa dalawang suspek na nangholdap umano sa isang estudyante, Nobyembre 16, 2016 sa Summerville, Pinagbuhatan, Pasig City.

Base sa report, tinutukan umano noon ng patalim nina Torrefiel at kasama nito ang biktimang estudyante, sinampal, at binantaang papatayin.

Sinasabing tangay ng mga ito ang wallet ng biktima na naglalaman ng P7,000.00 na pera. Kaagad din umanong nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis, kung saan naarestong mag-isa ang suspek.

Nitong nakaraang Nobyembre 29, 2021, inireklamo din si Torrefiel ng establisemyemtong pinagdyu-dutihan nito bilang gwardiya, nang mawala umano doon ang laptop ng kanilang opisina na nagkakahalaga ng P30,000.00, at perang P37,000.00.

Base pa sa report, ni-review umano noon ang CCTV sa barangay kung saan nakita ang nasabing gwardiya na lumabas na may back pack at plastic, pasado Nobyembre 28, 2021.

Maliban dito, wala din umano doon sa kanyang posting sa bodega ang nasabing suspek, at nanatiling atlarge matapos ang krimen.

Samantala, nabatid na naaresto din noong August 2015 si Torrifiel, dahil sa pagnanakaw ng isang bangkang de motor.

Samantala, puspusan pa ang imbistigasyon ng Kalibo PNP sa kasong pagpatay sa manager ng RD Pawnshop nitong nakaraang Linggo, kung saan tinitingnan din ang anggulong pagnanakaw.