Connect with us

Aklan News

Peryahan ni-raid, labing-apat katao arestado

Published

on

PHOTO: NazarioCruzVlogs
Inaresto ng mga awtoridad ang labing-apat katao matapos na magkasa ng operasyon ang mga operatiba alas 10:30 linggo ng gabi sa Sitio Tabon Caticlan Malay Aklan kaugnay sa pag-operate ng peryahan na walang permit.
Sa pinagsanib na pwersa ng Malay Municipal Police Station at 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company nakuha sa mga suspek ang kabuuang pera na nagkakahalaga ng 17,940 pesos isang set ng roleta at tatlong sets ng pakyaw games (drop balls).
Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential decree 1602 o ang Illegal gambling ang nasabing mga suspek.