Aklan News
PETITION FOR DISQUALIFICATION LABAN KAY MAKATO SB MEMBER STEVEN TEJADA, IBINASURA NG COMELEC
Ibinasura ng Commission on Election Former First Division ang Petition for Disqualification na inihain ni Ardy Ross Tibar Solano laban kay Makato Sangguniang Bayan Member at re-electionist Steven Mateo Tejada.
Sa dalawang pahinang desisyon na inilabas nina Commissioner Aimee P. Ferolino at Presiding Commissioner Marlon S. Casquejo ng Comelec Former First Division aaay nabigo umanong isama ng Petitioner sa kanyang petisyon ang Proof of Service o Affidavit of Service.
Ayon sa komisyon, malinaw na nakasaad sa Comelec Resolution No.9523 na kailangan munang mabigyan ng kopya ng petisyon ang respondent bago ito ihain sa komisyon.
Sakali mang hindi na makita o ayaw tanggapin ng respondent ang petisyon ay kailangan munang mag-execute ng affidavit ang petitioner at kasama ito sa paghahain ng pormal na petisyon.
Dagdag pa ng komisyon, ang nasabing resolusyon ay compulsory o mandatory at istrikto itong ipinatutupad ng Comelec at ang kabiguan umanong ito ng nagpepetisyon ang dahilan kung bakit ibinasura ang nasabing Petition for Disqualification laban kay Makato SB Member Tejada