Connect with us

Aklan News

PETITION FOR MANDAMUS NA INIHAIN NI ATTY. EURIDICE CUDIAMAT LABAN KAY MAYOR EMERSON LACHICA AT REY VILLARUEL IBINASURA NG KORTE, MOTION FOR RECONSIDERATION TINANGGIHAN DIN

Published

on

GUBATINA VS GUBATINA ADMIN CASE, INIREKOMENDANG I-ARCHIVE NG SP INVESTIGATING COMMITTEE

Tinanggihan ni Presiding Judge Nelson J. Bartolome, ng Regional Trial Court 6th Judicial Region, Branch 8 sa Kalibo, Aklan ang inihaing Motion for Reconsideration ni Atty. Euridice Tupas-Cudiamat.

Kasunod ito ng pagbasura din ng nasabing hukuman sa nauna nang inihain na Petition for Mandamus ni Atty. Cudiamat na may SPL PRO CASE NO.11506 laban kay Kalibo Mayor Emerson Lachica at Municipal Treasurer Rey C. Villaruel.

Kung matatandaan, nag-ugat ang nasabing petisyon matapos kinuha ni Vice mayor Cynthia Dela Cruz ang serbisyo ni Atty. Euridice Cudiamat bilang Legal Consultant ng Office of the Sangguniang Bayan sa bisa na isang kontrata.

Subalit tumangging magbayad ang lokal na pamahalaan sa hinihinging consultancy fee ni Atty. Cudiamat dahil hindi umano legal ang kasunduan sa pagitan ni Vice Mayor Dela Cruz at ng nagpepetisyon.

Ayon kay Mayor Lachica at Rey Villaruel, wala umanong karapatang pumasok sa isang kasunduan o kontrata ang bise-alkalde lalo na kung ito ay sa ngalan ng lokal na pamahalaan maliban sa punong ehekutibo.

Ang naging hakbang umanong ito ni Vice Mayor Dela Cruz ay malinaw na paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 7160 o Local Goverment Code of 1991.

Samantala, kinatigan naman ng hukuman ang argumento ng mga respondent sa inilabas nitong kautusan noong November 24, 2021