Connect with us

Aklan News

PHO Aklan magdedeklara ng dengue outbreak

Published

on

NAKATAKDANG magdeklara ng dengue outbreak ang Provincial Health Office (PHO) kasunod ng tumataas na kaso ng sakit sa Aklan.

Sa isinagawang press conference ng PHO nitong Martes, inihayag ni Dr. Leslie Ann Sedillo, Provincial Health Officer II na nasa outbreak level na ang dengue cases sa lalawigan.

“We are beyond epidemic threshold so we can say nga medyo may outbreak kita,” wika ni Dr. Sedillo.

Aniya pa, “We have discussed this and we have recommended to our provincial Governor the recommendation to declare an outbreak iya sa probinsiya it Aklan. According to him, since na-discuss man naton kana ro aton nga scenario hay he said nga he will declare an outbreak for the province of Aklan.”

Batay sa monitoring ng PHO, simula Enero hanggang Agosto 17, 2024 nasa 1, 686 na ang kabuuang kaso ng dengue sa Aklan.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 731 cases na naitala sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Mula sa nasabing bilang, apat na ang naitalang namatay.

Matatandaang nakapagtala ng pinakamataas na dengue cases ang Aklan noong 2019 kung saan sumipa ang kaso sa mahigit 6,000.

Dahil dito, panawagan ng PHO sa publiko na maging vigilant at panatilihing malinis ang ating kapaligiran dahil posible pa umanong lumubo ang kaso ng dengue sa Aklan.