Aklan News
PHO-AKLAN: MANDATORY NA PAGBABAKUNA VS. COVID-19 MALAKING BAGAY SANA
Malaking bagay sana ang pagsasagawa ng mandatory na pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ang pahayag ni Dr. Cornelio Cuachon Jr. ng PHO-Aklan kasunod ng pagsuporta ng Department of Health sa pagsasabatas ng mandatory COVID-19 vaccination para sa mga piling sektor upang mapababa ang numero ng mga indibidwal na nag-aalinlangan sa bakuna.
Ngunit ayon kay Cuachon ay nirerespeto nila ang ibang tao na hindi nagpabakuna dahil sa kanilang paniniwala.
Pahayag pa ng doktor na kung mandatory ang pagbabakuna ay magiging protektado kahit papaano ang mga tao laban sa COVID-19 virus.
Subalit para kay Cuachon maaring ma-violate rin nito ang karapatang-pantao ng mga indibidwal.
Samantala, dedepende pa rin ito sa desisyon ng gobyerno dahil naniniwala siyang pinag-aaralan pa nila ito sa ngayon ang nasabing hakbang.
Nauna nang ipinahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang naturang hakbang ng gobyerno ay last resort na lamang upang ma-achieve ang population protection.
Kaugnay nito, magugunitang ipinahayag rin ng Department of Justice (DOJ) na kailangan pa ng batas bago maging mandatory ang COVID-19 vaccination.