Connect with us

Aklan News

PHO, nilinaw na hindi COVID symptoms ang nakita sa 38 staff ng DRSTMH kundi flu-like symptoms

Published

on

Hindi sintomas ng COVID-19 ang nakita sa 38 staff ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) kundi flu-like symptoms.

Ito ang paliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon kasunod ng mga nailathalang balita ukol sa 38 staff na umano’y may COVID symptoms.

Nagsagawa aniya ng risk assessment ang ospital para malaman kung sino ang mga empleyadong may trangkaso para ma-assess at ma-isolate.

Bahagi na umano ng routine at standard operating procedures ng ospital ang pag assess sa kanilang mga personnel.

“Alarming pag sinabing covid symptom na wala namang exposure.”

Hindi ibig sabihin na kapag nakaramdam ng ubo, sipon o pagsakit ng lalamunan ang isang tao ay COVID symptom na dahil maaaring flu-like symptoms lang ito na posibleng mahulog sa Severe Acute Respiratory Infection (SARI) paliwanag ng doktor.

Depende pa ito sa magiging assessment ng doktor kung may history travel ba ang pasyente.

Sa ngayon ay hindi pa nakukuhaan ng swab test ang 38 staff dahil hinihintay pa ang assessment ng kanilang infection control committee.

Kaugnay nito, bukas na aniya ang sariling Molecular laboratory ng Aklan pero hindi pa full scale ang kanilang operasyon.

Apektado rin ang pagproseso ng mga specimen dahil dalawa lang ang gumagalaw na medtech ngayon matapos magpositibo sa COVID ang kanilang mga kasamahan saad pa ni Cuachon.

Patuloy ang pagpapaalala ng Aklan PHO sa mga mamamayan na sumunod sa mga safety protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shield at hand sanitize. Isama na rin ang pagkain ng mga masustansyang pagkain para lumakas ang immune system.