Aklan News
Pick up, dumeretso sa railings at nahulog sa bangin sa Balete; 3 sakay, sugatan


SUGATAN ang tatlong sakay ng isang pickup matapos mahulog sa bangin nang dumeretso railings ng kalsada sa Sitio Adgawan, Feliciano, Balete nitong hapon, Hunyo 13.
Batay sa ulat, mula sa bahagi ng Kalibo ang nasabing pick-up at papuntang Ilo-ilo.
Ngunit pagdating sa kurbada at pababang bahagi ng kalsada ay dumiretso ang pick-up sa railings at tuluyang nahulog.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang driver pati na ang dalawang sakay nito.
Agad namang rumesponde ang MDRRMO Balete sa lugar at dinala ang mga biktima sa isang pribadong ospital sa Kalibo.
Patuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng Balete PNP sa nangyaring aksidente. Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading