Connect with us

Aklan News

PILOT RUN NG ‘RESBAKUNA SA BOTIKA’ SA WATSONS CITY MALL SA ISLA NG BORACAY, UMARANGKADA NA!

Published

on

PILOT RUN NG ‘RESBAKUNA SA BOTIKA’ SA WATSONS CITY MALL SA ISLA NG BORACAY, UMARANGKADA NA!
File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Umarangkada na ngayong araw sa Watsons City Mall ang pilot run ng ‘Resbakuna sa Botika’ para sa pagtuturok ng booster shots sa Isla ng Boracay.

Kasabay ng naturang programa ay pinasalamatan ni Aklan Governor Florencio Miraflores sina Carlito Galvez Jr., Chief Implementer at Vaccine Czar; Sec. Vivencio Dizon, Deputy Chief Implementer and Testing Czar ng National Task Force; Sec. Bernadeth Romulo-Puyat ng Department of Tourism (DOT) dahil sila umano ang nagbigay prayoridad sa mga kailangang bakuna ng isla.

Ayon kay Gov. Miraflores, fully vaccinated na ang mga tao sa Boracay at nag-aantay na lamang ng kanilang booster shots.

Sa pag-uumpisa ng bakunahan sa pediatric population, hinimok ni Miraflores ang lahat na bakunahan ang kanilang mga anak dahil totoong epektibo ang bakuna.

“If you remember when Delta hits us in the middle of last year we were stumbling for vaccines at that time,” dagdag pa ng Gobernador.

Masaya rin nitong ibinalita sa lahat na sa ngayon ay zero active case na ang isla ng Boracay.

Binigyan-diin ni Miraflores ang kahalagahan ng bakuna at ang mabakunahan lalo na sa isla ng Boracay dahil ito aniya ay tourist destination ng bansa.

Target mabakunahan sa nasabing programa ang 106% ng populasyon sa Boracay.

Samantala, ipinahayag ng gobernador na handa ang isla ng Boracay at ang lalawigan ng Aklan sa pagtanggap ng mga foreign tourist mula sa 157 visa-free countries.