Connect with us

Aklan News

Pinakahihintay na One Covid-19 Allowance, napasakamay na ng mga empleyado ng DRSTMH

Published

on

Natanggap na rin ng mga empleyado ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) ang matagal na nilang hinihintay na One COVID-19 Allowance (OCA).

Ayon kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr., Chief of Hospital ng DRSTMH, nai-release na sa mga empleyado ng ospital ang kanilang OCA nitong Huwebes lamang.

Aniya pa, direktang pumasok sa ATMs ng mga empleyadong walang problema sa kanilang dokumento ang nasabing allowance.

Maaari namang matanggap ng iba pang mga empleyado na walang ATM ang kanilang OCA sa susunod na Linggo.

“Ro mga owa it problema nga mga documents hay direct sa andang ATM. Pero may mga personnels abi kita nga owa it ATM hay according mat-a sa DOH region hay maadto sanda iya kung mataw-an sanda it travel order next week,” paliwanag ni Cuachon.

Samantala, ipinasiguro naman ni Cuachon na matatanggap ng 45 empleyado na nagkaroon noon ng problema sa kanilang mga dokumento kung kaya’t nadelay ang pagrelease ng kanilang OCA na matanggap rin nila ang kanilang allowance ngunit wala pa silang ideya kung kailan ito.

“Owa pa, pero gina-process eon man. Una eon man pero owa pa kita kasayod kung hin-uno nanda i-release, kung idungan nanda sa owa it ATm pero una eon gid man,” pahayag nito.

“Ro pag-process man it OCA it atong ospital hay pinsan man tanan except daya nga nadelay eang ro andang payment,” dagdag pa ni Cuachon./SM