Connect with us

Aklan News

Pinakaunang ‘LGU-owned’ isolation facility sa Aklan,  Pinasinayaan

Published

on

Photo| Provincial Health Office - Aklan/ Facebook Page

Inagurahan na ang kauna-unahang LGU-owned municipal isolation at quarantine facility sa Aklan na matatagpuan sa Lezo.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, ang Lezo Municipal Ligtas COVID Center ay mayroong 26 na individual room na magsisilbing sariling quarantine facility ng munisipalidad.

Ang nasabing pasilidad ay proyekto ng LGU bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga nangangailangan ng isolation facility at para magamit ng maayos ang kanilang limited sources kaysa magrenta pa ng hotel.

Lima na ang naitalang kaso ng coronavirus disease sa Lezo at lahat ng ito ay gumaling na.