Aklan News
Piso-wifi machine sa fatima, New Washington, binutasan at ninakawan


BINUTASAN at ninakawan ang isang Piso-WiFi machine sa Barangay Fatima, New Washington, bandang alas-11:30 ng gabi nitong Huwebes, Hunyo 19.
Ayon sa uploader na si Kimmy Khaye, tinawagan siya ng kanyang kapitbahay na siyang may-ari ng nasabing Piso-WiFi, matapos itong magising sa umano’y kaluskos sa labas ng kanilang bahay.
Paglabas ng may-ari, tumambad ang mga nagkalaglagang barya mula sa butas sa ibabang bahagi ng vending machine.
Agad namang tumakas ang mga salarin at hindi na nila naabutan.
Napag-alamang ito ang unang insidente ng pagnanakaw sa kanilang Piso-WiFi simula nang ito’y inilagay. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading