Aklan News
Piso wifi, ninakawan; mga barya, tinangay


Nilimas ng kawatan ang perang laman ng isang piso wifi machine sa malapit sa isang hotel bahagi ng Pastrana St., Poblacion, Kalibo.
Ayon sa security guard, na tumanggi nang magpapangalan, bukas na ang Piso wifi machine sa labas ng kanilang hotel nang maabutan niya kaninang umaga, bandang alas-5:11.
Mula pa umano nitong Marso 2025 ang mga baryang laman ng naturang Piso-Wifi machine.
Nagsasagawa pa sa ngayon ang Kalibo Municipal Police Station ng follow-up investigation kaugnay ng insidente.| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading