Connect with us

Aklan News

Piso WiFi vendo machine ninakaw

Published

on

Hindi parin nakikilala ang kawatan na kumuha ng isang Piso WiFi Vendo Machine nitong Huwebes ng madaling araw sa may Purok 2, Tinigaw Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagising nalang umano ang may-aring hindi na pinangalanan na wala na ang kanilang vendo machine na naka-kabit sa labas ng kanilang bahay at putol na ang mga wire nito.

Tinatayang mahigit P15, 000 ang halaga ng nakuha ng kawatan, mula sa presyo ng nasabing Vendo machine kabilang ang mga coins na laman na nito sa loob ng isang linggo.

Napag-alaman na bago pa ito at mag-iisang buwan pa lamang kung saan ay nakuha nila ang unang laman nito noong November 15.

Nabatid na may CCTV din ang kanilang kapitbahay pero hindi rin makita ang mismong pagnanakaw kung kaya’t hindi parin kumpirmado ang pagkakakilanlan ng kawatan.