Aklan News
Plano ng Deped-Aklan para sa WVRAA Meet 2023, nakalatag na


NAKALATAG na ang lahat ng plano ng Department of Education (DepEd) Aklan para sa nalalapit na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2023.
Ito ang inihayag ni DepEd-Aklan Schools Division Superintendent Dr. Feliciano Buenafe Jr. sa panayam ng Radyo Todo.
Aniya, tuloy-tuloy sa ngayon ang kanilang mga isinasagawang meeting kasama ang iba pang mga stakeholder.
Mayroon na rin aniyang Inter-Agency Task Force na nakatutok para sa nasabing aktibidad lalo na sa seguridad ng mga atleta at delegasyon.
Saad pa ni Buenafe, may ilang mga atleta at delegasyon na rin ang nakarating sa lalawigan ng Aklan para sa paparating na sporting events.
Magsisimula ang WVRAA Meet 2023 sa Abril 26 hanggang Abril 30.
Continue Reading